Miss World PH, 4 pang beauty queen pasok sa 2017 Regal Millennial Babies

PASOK na bilang mga bagong Regal Millennial Babies ang limang Pinay beauty queen na nagwagi sa nakaraang Miss World Philippines beauty pageant.

Marami nang binigyan ng break sa paggawa ng pelikula ang Regal Entertainment nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo, at sa pagkakataong ito, mga rampadorang beauty queen naman ang kanilang aalagaan para maging next important movie stars.

Kamakalawa, pumirma na ng kontrata ang limang naggagandahang Pinay sa opisina ng Regal Films kasama sina Mother Lily at Ms. Roselle at ang owner ng Miss World PH franchise na si Arnold Vegafria.

Pangungunahan ng kinoronahang Miss World-Philippines na si Laura Victoria Lehmann ang latest addition sa mga Regal Millennial Babies. Bago siya naging Miss World PH, naging UAAP courtside reporter muna ang dalaga. Ang Miss World PH ang ikalawa niyang pagsabak sa larangan ng beauty pageant.

Pumirma rin ng kontrata si Teresita Marquez o mas kilala bilang si Wynwyn Marquez sa mundo ng showbiz. Siya ang kinoronahang Miss Hispanoamaericana Filipinas na makikipaglaban naman sa Bolivia.

Pasok din bilang bagong Regal Millennial Baby sina Sophia Senoron na nagwaging Miss Multinational Philippines; Miss ECO Philippines 2017 Cynthia Thomalla; Glyssa Leiann Perez at Zhaniethia Jimenez, ang nanalong Miss World PH First Princess at Second Princess, respectively.

Wala pang detalye tungkol sa mga gagawing proyekto ng mga Regal beauty queen, pero umaasa sila na very soon ay makakapag-shooting na sila kasama ang malalaking celebrities sa bansa.

Read more...