Nakilala ang dalawa bilang sina Jonnel Nabor at Elmer Abayon, kapwa 17-anyos at residente ng bayan ng Victoria, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.
Naganap ang insidente sa compound ng elementary school ng Brgy. Libas, dakong alas-2.
Nagtatrabaho sina Nabor at Abayon sa construction site na malapit sa isang burol doon, nang maguhuan ng lupa, ayon sa ulat.
Nagsasagawa pa ng search and rescue operation ang lokal na pulisya, mga bumbero, at ibang construction worker upang mahugot sa guho ang dalawa, habang isinusulat ang istoryang ito.
MOST READ
LATEST STORIES