HOROSCOPE June 16, 2013 | Bandera

HOROSCOPE June 16, 2013

Joseph Greenfield - June 16, 2013 - 01:47 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Wag tatamad-tamad. Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap. Kumilos  ng kumilos upang umunlad. Sa pag-ibig, lalo mo pang pag igihan at pag-initin ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 27, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Purple at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)             –  Sa pag-ibig at pinansyal, tama ang suwestyon ng kasuyo, kailangang magkaroon kayo ng negosyo may kaugnayan sa buti at pagkain, upang magkaroon kayo ng extra income. Mapalad ang 5, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Silver at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –        Hindi masama kung lagi kang hihingi ng awa kay Lord. Alalahaning ang pagyaman ay nakukuha din sa paulit-ulit na dasal. Sa pag-ibig, wag pag alinlanganan ang pagmamahal ng isang Virgo. Mapalad ang 8, 15, 26, 29, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Me-Om.” Mint green at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –          Ang pag-aalinlangan ay magdudulot ng kabiguan. Buuin ang loob at sumugod ng sumugod. Sa pag-ibig pag ukulan ng dagdag na panahon ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Samantalahin ang pagpasok ng tag-ulan. Lambingin ang minamahal upang wag na siyang mag hanap ng iba, sabay kayong maligo sa ulan. Sa pinansyal, habang umuulan mas maraming materyal ana bagay ang darating. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Orange at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –       Subukang maging matulungin. Habang tumutulong sa kapwa, lalo namang sasagana ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang katapatan sa kasuyo ang magdudulot ng habang buhay na ligaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –    Disiplina sa lahat ng bagay ang dapat pairalin. Sa pinansyal, dahan dahan lang sa pag-gastos. Sa kalusugan, iwasan ang mga pagkaing makakasama sa iyong katawan. Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa baka manlata ka na naman. Mapalad ang 5, 15, 24, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Purple at beige ang buenas.
Lira– (September 23-October 23)  –      Piliin ang mga kakaibiganin at papakisamahan. Sa pinansyal, iwasan ang mga taong may negatibong pagiisip upang wag masira ang diskarte. Sa pag-ibig, piliin ang kasuyong may positibong pananaw tulad ng isang Virgo. Mapalad ang 1,  10, 22, 29, 31 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –          Ang elementong tubig ang magbibigay ng suwerte. Upang magkaroon ng magandang kapalaran sa salapi at pag-ibig, maglagay ng aquarium sa entrada ng inyong bahay. Mapalad ang Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at blue  ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –           Magiging makulay ang pag-ibig, ngunit dapat paring iwasan ang immoral na relasyon. Sa pananalapi, kasabay ng pagtaas at palago ng kita maraming mga tukso ang darating. Manatiling tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Ananda-Marga-Om.” Violet at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –          Sa pinansyal, wag masyadong abusuhin ang katawan sa pagta-trabaho. Aanhin mo ang maraming pera kung magkakasakit ka naman? Mamayang gabi, mag-relaks at magpamasahe sa minamhal.  Mapalad ang 9, 12, 21, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om.” White at gold ang buenas..
Aquarius – (January 20 – February 18) –  Wag masyadong maging gahaman sa salapi. Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, ang hindi kumplikadong pag-ibig ay magdudulot ng isang mas maligayang relasyon. Mapalad ang 4, 8, 17,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –    Sa pag-ibig, mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinag-handaang  romansa. Sa pinansyal isang kakilala ang darating bigla ka na lang aabutan ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 5, 18, 21, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.”  Magenta at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending