Kilalang aktor masama ang loob sa nilayasang TV network

TOTOO kaya ang umiikot na kuwento na may tampo ang isang kilalang male personality sa dati niyang home studio kaya naisipan niyang kumabilang-bakod?

May chika kasi na nu’ng magkaroon ng iskandalo sa kanyang buhay at career ay hindi man lang kumilos ang kanyang mga inaasahang sasagot para sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Gusto na rin siguro niyang maging busy. ‘Yung meron talaga siyang regular show na pagkakaabalahan. Hindi kasi siya masyadong nabibigyan ng chance sa pinanggalingan niyang network.

“Magkaroon man siya ng project, e, sandalian lang, parang guesting lang na lumabalas ‘yun, samantalang deserving naman siyang bigyan ng mas magagandang projects.

“Magaling siyang umarte, kilala na rin naman siya, very professional naman siya, kaya nakapagtataka rin kung bakit hindi siya masyadong nabibigyan ng magagandang shows.

“E, sa nilipatan niya, meron na agad siyang gagawing serye, isasalang na agad siya, ‘yun ang gusto niya talaga, ang makapagtrabaho na nang seryosohan,” simulang kuwento ng impormante.

Parang nakaramdam din diumano ng depresyon ang male personality nang makaladkad ang kanyang pangalan sa isang iskandalong namatay rin naman agad.

“Siguro, umaasa siya sa damage control na gagawin ng home studio niya, pero walang ganu’n, parang hindi man lang umaksiyon ang mga nandu’n para linisin ang image niya.

“Nanahimik lang siya, wala siyang sinabing kahit ano, deadma lang siya sa mga pinagsasasabi ng kabilang kampo. At nakaganda ang decision niya dahil after a while, namatay rin ang issue.

“Walang napatunayan ang mga nagbintang sa kanya, the issue died a natural death kumbaga, kaya wala ring nasira sa kanya. Sayang, magaling pa naman ang male personality na ‘yun.

“Di ba, may award na siya? Malalim siya, palibhasa, e, napakasimple ng pamilyang pinanggalingan niya, kaya very humble din siya.

“Madaling tumbukin kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Bautista Silverio. Katunog ng name niya ang madulas na palos,” pagtatapos ng aming source.

Read more...