Albie mabenta sa mga beki, winner sa Pusong Ligaw

PURING-PURI ng mga manonood si Albie Casiño sa akting na ipinapakita nito sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw. Convincing at makatotohanan kasi ang pagganap niya sa programa bilang si Leon.

Ayon sa isang beking netizen na naglalaway kay Albie, “Mahusay! Ginalingan! Para nga naman mas humaba pa ang karakter niya sa Pusong Ligaw. Sana nga matagal pa siyang mapanood sa PL dahil busog na busog ako sa hapon kapag nakikita ko siya! Hahahahaha! Hastag adik kay Albie Casiño lang ang peg!”

Tili naman ng isang bading na matagal nang gustong ma-meet nang personal ang binata, “Pusong Ligaw please wag n’yo munang tsugihin si Papa Albie ha! Magra-rally kami sa harap ng ABS-CBN! He’s our favorite meryenda kaya parang awa n’yo na, hanggang ending na sana siya sa PL!”

Sa itinatakbo kasi ng kuwento ng Pusong Ligaw, mukhang malapit nang mabuking na hindi talaga si Leon ang anak nina Tessa (Beauty Gonzales) at Caloy (Joem Bascon).

Mas lalo namang titindi ang galit ni Jaime (Raymond Bagatsing) kapag nalaman na niya ang pinaggagagawa nina Tessa at Caloy. Siyempre, gagawin niya ang lahat para mawala sa landas nila ng kanyang asawa si Caloy na may mga pasabog din sa susunod na episode ng serye.

Kailangang hintayin din ng mga manonood kung anu-ano ang susunod na aksyon ni Marga (Bianca King) laban kay Tessa. Masa-shock daw kayo sa mga mangyayaring twist and turns sa buhay ng mga pangunahing karakter sa Pusong Ligaw kaya huwag na huwag kayong bibitiw.

Napapanood pa rin ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold after It’s Showtime.

Read more...