Tony Calvento pumanaw na sa edad na 63


PUMANAW na ang veteran broadcast and print journalist na si Tony Calvento sa edad na 63.

Mismong ang anak niyang si Sonny Calvento ang nag-announce ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Ayon sa pamilya ni Tony Calvento, multiple organ failure ang ikinamatay ng batikang manunulat.

“Papa, best known as Tony Calvento to friends and loved ones, has joined Our Creator today, 9 October 2017,” ang ipinost na mensahe ni Sonny sa FB na ikinabigla ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

Bukod sa pagiging journalist, naging host din siya ng programang The Calvento Files, isang crime and investigative show na umere sa ABS-CBN noong 1995 at tumagal hanggang 1998.

Ginawan din ito ng pelikula noong 1997 under Star Cinema at pinagbidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, John Estrada at marami pang iba.

Nasa chapel three ng The Heritage Park sa Taguig City ang labi ni Tony Calvento. Tatagal ang burol hanggang Oct. 13 at pagkatapos nito ay iki-cremate na ang kanyang labi.

Read more...