NAPABILIB si Aga Muhlach sa style ng pagdidirek ni Cathy Garcia-Molina kaya naman nagparinig siya na gusto niyang magkaroon din sila ng serye o sitcom matapos nilang gawin ang “Seven Sundays”.
Iba naman ang naging dating ni Aga kay direk Cathy, ninerbyos at na-tense raw siya nu’ng magsimula na ang shooting ng “Seven Sundays” na mapapanood na ngayong araw sa produksyon ng Star Cinema.
“Parang noong unang araw namin hindi ko alam kung kaya ko siyang sabihan ng take 2, take 3, iko-correct, kasi Aga Muhlach na siya eh. Eh, best actor noong generation niya. So ang hirap, kasi mas experienced pa siya sa akin. Alam ko may ibang pagtingin siya sa eksena, very different from mine. What I love about him is he trusted me.
“Thank you and ‘yun lang naman ang kailangan ko para mawala ‘yung hiya ko, mawala ‘yung inhibitions ko para mai-guide ko siya along with the other actors,” kuwento ni direk Cathy.
Sa cast ng “Seven Sundays” na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez at Aga ay namumukod tanging ang ka-loveteam ni Liza Soberano pa lang ang nakatrabaho ni direk Cathy.
Nagkasama na sila sa seryeng Forevermore at sa pelikulang “My Ex and Why’s”, “Sa lahat po including Tito Ron (Ronaldo) sa MMK ko lang po siya naidirek including Munting Paraiso. But for film, this is my first time with him.
“Si AA (Cristine) naman, kahit sa TV hindi ko pa siya naka-work, also Dingdong. Si Quen lang po ang sawa na sa akin,” nakangising sabi ng direktor.
Natanong kung ano ang pagkakaiba ng “Seven Sundays” sa “Four Sisters And A Wedding” na ipinalabas noong 2013 na idinirek din ni Cathy, tila hawig daw ang kuwento na tungkol din sa buhay ng magkakapatid (Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Bea Alonzo at Enchong Dee).
“Actually going to this project, grabe ‘yun, nasa balikat ko ‘yun, knowing that many people would try to compare is to that as much as I will find it unfair na i-compare silang dalawa, I tried my very best and the creative team not to put anything that would remind you about Four Sisters.
“Unang-una, lalaki ‘yung bida. Just like love story, iisa ang sinasabi pero napakarami ng porma na puwedeng bihisan. Also with the family drama or dramedy, lahat tayo, family member kaya lahat tayo may kanya-kanyang kuwento.
“Wala kaming gustong tapatan o higitan, nagkataon lang na meron kaming gustong ikuwento about family and I hope this one would touch your heart once again,” ani direk.
Mapapanood na ang “Seven Sundays” ngayong araw sa mga sinehan.