Proteksyon sa obrero

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Itago ninyo na lamang ako sa pangalan Arthur. Ako po ay isang manggagawa ng kontratista na naglilinis ng mga salamin sa mga matataas na gusali gaya ng hotel.

Ang akin pong employer ay yumaman na sa kanyang negosyo. Nagtataka lang ako na marami na siyang pera subalit wala naman pong ibinibigay sa amin na proteksyon gaya protectve gear.

Delikadong-delikado po sa safety ng isang manggagawa na gaya ko. Ano po ang dapat kong gawin?

Maari ninyo po akong bigyan ng kaalaman o masagot ang aking katanungan. Salamat po.

 

REPLY: Ang mga manggagawa ay kinakailangan sa pag-unlad ng isang bansa. Kaya naman, mayroong batas na nagsisiguro sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Ito ay upang matiyak na maiiwasan at mababawasan ang aksidente sa paggawa.

Mahigpit na ipinatutupad ang pamantayan sa ligtas at malusog na manggagawa.

Importante ang protective gear para matiyak ang kaligtasan ng isang manggagawa kapag hindi sumunod ang employer, maaaring lumapit ang mga manggagawa sa Bureau of Working Conditions at ipagbigay-alam ito sa mga labor inspectors o labor law compliance officers.

Mayroon ding kapangyarihan ang kalihim ng Department of Labor and Employment na bumisita sa mga opisina upang tingnan at tiyakin na mayroong sapat na gamit, kaayusan, at iba pa para sa mga manggagawa.

Ang Occupational Safety and Health Center (OSHC) ay inaatasan ng pagsusuri at akreditasyon ng lahat ng safety practitioner at heavy equipment testing operators.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 407, Kinakailangan ang pagsusuri, pag-apruba at pagbibigay ng certificate of accreditation ng Occupational Safety and Health (OSH) Practitioners and Testing Organization for Construction Heavy Equipment (CHE) mula sa Bureau of Working Conditions (BWC) at DOLE Regional Offices (ROs).

Naatasan ang OSHC na magbuo at ipalahathala ang patakaran at manual of procedures para sa akreditasyon, at magkapareho at kontroladong sertipikasyon sa mga OSH Practitioners at Testing Organization for CHE.

Naatasan din ang OSHC na i-monitor ang kanilang mga gawain at bigyan ng karagdagang kasanayan at iba pang tulong teknikal para sa pagtataas ng kanilang kakayahan.

Ang lahat ng aplikasyon, pati ang ang renewal, na isinumite sa BWC at DOLE-RO bago Setyembre 7, 2017, o bago ang effectivity date ay ipo-proseso ng BWC at ng kinauukulang DOLE-ROs at ipadadala sa OSHC para sa pinal na pagpapatibay ng sertipikasyon.

Ipinalabas ang administrative order upang higit na maiwasan at tuluyang mabawasan ang aksidente sa trabaho at para sa mahigpit na pagpapatupad ng itinakdang patakaran para sa ligtas at malusog na manggagawa sa lahat ng lugar-paggawa.
Ms. DJ Romero
Communications
Officer
Occupational Safety and Health

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@gmail.com.

Read more...