DANIEL-KATHRYN fans may ‘banta’ sa MMFF


Sobrang excited na ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil nabasa nila sa diyaryo na nagsumite ang Starlight Films ng entry para sa 2013 MMFF na may working title na “Pagpag” na obviously isang suspense/horror at wish ng mga Kathniel, sana raw ay ipasa ito ng mga hurado.

Tsika sa amin ng nakabasa ng script ay teen horror ito na mala-“Final Destination” at “I Know What You Did Last Summer” na ididirek ni Frasco Mortiz.

Kung susundin ang concept ng mga foreign film na nabanggit para sa pelikulang ito nina Kathryn at Daniel, tiyak na hahataw din ito sa takilya dahil pawang mga blockbuster hit ang mga nabanggit naming Hollywood movies.

Isa si Paolo Avelino sa napakaraming big stars ng ABS ang makakasama sa cast at sa pagkakaalam namin ay kontrabida ang magiging role niya.

Kaya sa MMFF jurors, may pressure na kaagad sa inyo na isama ang “Pagpag” sa 2013 MMFF dahil tiyak na kukulitin kayo ng mga loyalistang fans nina Daniel at Kathryn.

Read more...