SINASABING nabawasan ang trust and net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Karaniwan sa isang nakaupong pangulo na mabawasan ng puntos sa usapin ng trust at net satisfaction rating.
Nakaangkla kung saan ka nakapanig at nakatingin kung paano mo babasahin ang pagbaba ng 18 puntos kung ikukumpara sa mas naunang survey ng SWS.
Kung ayaw mo talaga kay Duterte sa simula pa lamang, sasabihin mong “buti nga!”
At kung ikaw naman ay nasa oposisyon o pa-ngunahing kritiko tulad halimbawa ni Senador Antonio Trillanes IV, naniniwala kang “mas babagsak pa ang rating nito sa mga susunod na survey at iyon ay dahil sa mga ibinunyag na umano’y tagong yaman ng pangulo.”
Pero kung ikaw ay die hard na maka-Duterte, mga ka-DDS kung bansagan, siyempre hindi ka maniniwala. Deadma.
Anuman ang sabihin ng mga kontra, pipiliin pa rin nilang suportahan ang pangulo.
Pero teka, alam ninyo ba na minsan kundi man kadalasan, ang resulta ng survey ay nasa mismong tanong o itinanong?
Ano ba ang itinanong? Bawat survey, may layunin yan. May gustong malaman o may gustong mangyari. Nasa pagtatahi ng tanong ang gustong palabasing resulta.
Kaya nga may tinatawag na commissioned survey at non-commissioned survey.
Sa commissioned survey, may interested group na tinatawag. Sa madaling salita, nagpa-survey. Sa non-commissioned survey, walang nagpa-survey ngunit maaaring may magka-interes sa resulta ng survey.
Surveys as a general rule are social indicators but to say that they are conclusive is not true. Imagine, 1,600 na respondents kakatawan sa damdamin ng mga Pilipino?
Pero sabihin na nating totoo, bumagsak nga dahil sa may hindi nagustuhan, ano naman sa tingin ninyo ang dapat na gawin ng nakaupong pangulo?
A man of sarcasm, he himself admitted, the president even come up with a one liner that would show delight in the decrease of his trust and net satisfaction rating based on the SWS survey.
O baka ang sabihin, “Sinabi ko naman sa inyo, huwag ninyo akong iboto dahil gagawin ko ang sa tingin ko ay tama!”
O baka wala siyang pakialam. Eh ano ngayon kung bumaba ang survey? Sa tingin ninyo affected? I doubt.
Sinabi ko mang hindi conclusive ang resulta ng isang survey, makabubuti din na kilalanin ito na isang indikasyon na maaaring may kailangang gawin o bitiwang mga salita na magmumula mismo sa pangulo.
Kasunod ng pagkilala sa pagkabawas ng tiwala at net satisfaction rating (bawas hindi bagsak batay na rin sa SWS survey), ay ang pagtuon ng mas may pagtatalaga sa mga bagay na ipiningako at pinaniwalaan.
So may SWS survey, bumaba daw, o ano na ngayon?
Sa tingin ninyo maghihinay-hinay ang naupong pangulo na Day 1 pa lamang ay inilatag na niya ang mangyayari, at nangyari na nga. Nalimutan ninyo na ba ang sinabi, “Madugo ang labang ito!”
Ayaw mo kay Duterte, gusto mo kay Duterte, hindi na kailangan ng survey o mahaba pang paliwanagan. Andun na ang sagot sa simula pa lamang.