Dingdong: Sa totoo lang, kaya ako nag-artista ay dahil kay Aga Muhlach!

ISA pala si Aga Muhlach sa mga reasons kung bakit nag-showbiz si Dingdong Dantes.

“Growing up, I must admit na si Aga Muhlach ay idol ko. Kaya rin ako na-convince to get into acting it is because of his work also,” say ni Dingdong sa presscon ng “Seven Sundays”, a Star Cinema movie which will be shown tomorrow.

“Gusto ring sabihin na ako’y fan of him as an actor but now I am more a fan of him dahil sa kanyang pagkatao. Mas fan ako sa kanyang persona more than him being an actor dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya. At nabigyan ako ng pagkakataon na maging younger brother to him because ‘yung whole process namin of making this film is like the whole process of being in a family.

“‘Yan ang ipinaramdam niya sa amin, na siya ang kuya naming magkakapatid. This is one of the things that I am grateful for as an actor. Bukod sa nakakakilala ka ng fellow actors mo, you also get to experience a different role, being brother to other people. Napakasuwerte na siya ang kuya ko dito,” dagdag pa ni Dingdong.

Read more...