Rochelle nagpagupit ng buhok para sa Alyas Robin Hood 2

 

FIERCE  na fierce naman ang look ngayon ni Rochelle Pangilinan with her new hairstyle base sa mga litrato niya Instagram.

Bumagay sa kanya ang short hair kaya naman naisip ng kanyang followers na irarampa niya ito on national television. Makakasama na rin si Rochelle sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood bilang si Diana dela Vega, ang bagong sekretarya ni Emilio (Edu Manzano).

Ibig sabihin nito ay magkakaharap din sila ni Venus (Andrea Torres) na ngayon ay nagtatrabaho na rin kay Emilio? Paano kapag nalaman ni Diana ang planong pagpapabagsak ni Venus kay Emilio?

Samantala, sa mabilis na paglagas ng pamilya ni Pepe (Dingdong Dantes) ay inatake ito ng matinding kalungkutan. Namatay na ang kapatid niyang si Caloy (Gary Estrada) at ang pamangkin na si Lizzy (Lindsay de Vera) habang hindi pa rin nahahanap ang inang si Judy (Jaclyn Jose). Hindi na makapag-isip nang maayos si Pepe at tila nawawalan na siya ng ganang ipagpatuloy ang pagiging Alyas Robin Hood.

Paano niya lalabanan ang mga kaaway kung meron din siyang sariling pinagdadaanan? Tutukan ang pagpapatuloy ng adventure ni Pepe sa Alyas Robin Hood 2 sa GMA after Super Ma’am!

Read more...