BALITANG maraming kuskos-balungos sa katawan si Erich Gonzales pagdating sa trabaho. In recent past, naisulat na namin ang minsang pag-iinarte niya at a photo shoot somewhere in Tagaytay City.
Mahigit lima—as cleared with her to which she agreed—ang magiging wardrobe changes niya all throughout the day’s shoot.
Sa kung anong kaartehang dahilan ay hindi nakumpleto ni Erich ang pagbibihis. May natitira pang isang wardrobe change pero bababu na raw siya na i-kinabaliw siyempre ng staff du’n including her stylist, makeup artist at kung sinu-sino pa.
As if her quirky mien ay hindi pa sapat, sa isang bahagi ng shoot—kung saan may sit-down interview—ay may mga tanong du’n that she wanted stricken out. This time, it was the writer who went nuts.
Just recently, Erich was in the news after sustaining a cut nang ‘di sinasadyang lumapat ang kanyang palad sa siguro’y matulis na hikaw ng kaeksenang si Lovi Poe. Blood oozed from the cut which trickled down her (Erich’s) white gown pa mandin.
Bagama’t wala naman tayong nabalitaang reklamo mula kay Erich, ang handler niya—surnamed Capulong—ang umeepal at nanggagalaiti para sa kanya. Kumbakit daw kasi nagsuot-suot pa ng accessories si Lovi gayong hindi naman dapat, hayan tuloy.
Sakay namin ang trabaho ng mga handler ng mga artista. Like road managers, wala rin silang inilayo sa mga uniformed aides-de-camp ng mga pulitiko who shield the latter from imminent danger and are willing to risk their lives and limbs.
Sa maraming taon ng karanasan namin sa pakikisalamuha sa mga handlers at RMs, some of them can be bossier, more finicky and more demanding than the stars they accompany/serve. They call the shots as if the fate of the stars rests on them.
It would be an ideal practice siguro kung ang kinukuhang handler o RM lacks is someone who can detach himself/herself from the celebrity to be able to treat his/her job as “trabaho lang” (no personal attachment).
Best of all, marunong lumugar sa dapat kalagyan without crossing the boundaries.
At kapag ganitong merong Erich na maraming “kuskos-balungos,” na may handler pang “epal” ay ano ang kalalabasan?
KUPAL.