HULA HOOP: Kung hindi dahil sa isang middleperson who recommended her to a real estate developer para maging endorser ay nungkang naging 5 million pesos richer ang aktres na ito.
Himutok ng nagsilbing ahente sa transaksiyong ‘yon, “Nagkita kami sa isang function months after I brokered the deal. Take note, ni singkong duling, eh, wala akong komisyon du’n sa P5M niya, ha? Aba, ang hitad, ni hindi man lang nagpasalamat sa akin? Bakit, kung hindi ba dahil sa akin, eh, kikita siya nang milyones?”
Nagkataon kasi na ang babaeng middleperson na ‘yon ay kaibigang matalik ng developer, “Hmp! Kung alam ko lang na ni thank you, eh, hindi pala kayang bigkasin ng hitad na ‘yon, sana kinaltas ko na ang komisyon ko! Buwisit na aktres na ‘yon!”
Na ang pagkakakilanlan ay itago na lang natin sa alyas na Erika Gonzaga.