HINDI ako nagtataka na nangyari ang masaker sa Maguindanao at sangkot ang mga Ampatuan sa kahindik-hindik na patayan.
May kasabihan ang mga Kristiyano sa Mindanao na kapag binigyan mo ng daliri ang isang Muslim, hihingin niya ang buong braso mo.
Ganyan ang mga Ampatuan ng Maguindanao na bagyo ang lakas kay Pangulong Gloria.
Ang mga Ampatuan ay warlords sa Maguindanao at hawak nila sa leeg ang mga residente roon.
Kapag sinabi ng mga Ampatuan na tumalon ang kanilang followers sa 10-storey building, tatalon ang mga ito na hindi magtatanong.
Noong 2004 presidential election, na-zero si Fernando Poe Jr. o FPJ, kalaban ni GMA, sa Maguindanao.
Kataka-taka ang pagka-zero ni FPJ sa Maguindanao dahil siya’y dino-diyos ng mga Muslim na “no-read, no write.”
May kuwento tungkol sa malaking paghanga ng mga Muslim kay FPJ. Sa isang pelikula, namatay ang character na ginampanan ni FPJ. Nang mapanood ng mga Muslim ang pelikula, nagwala sila dahil ayaw nilang namamatay si FPJ. Ilan sa kanila ay binaril ang screen ng mga sinehan na naglabas ng pelikula ni FPJ.
Bakit na-zero si FPJ sa Maguindanao noong 2010?
Kayo na ang magbigay ng inyong conclusion.
Dahil sa kanilang blind loyalty kay GMA, binigyan ang mga Ampatuan ng maraming concessions, at isa na rito ay ang pagbibigay sa kanila ng maraming bodyguards.
Ang mga bodyguards ng mga Ampatuan ay galing sa Philippine Army at Philippine National Police (PNP).
Kung isang company (about 200 men) ng Army at PNP, meron ang mga Ampatuan.
Naisulat ko sa INQUIRER at (sa aking palagay) dito sa Bandera ang tungkol sa pagdadala ng napakaraming bodyguards ng mga Ampatuan kahit na sila ay nasa Metro Manila.
Nang magkatagpo kami ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2 ilang taon na ang nakararaan, kinompronta niya ako sa aking mga isinulat tungkol sa kanya.
Nanggaling ako sa Puerto Princesa at si Ampatuan at ang kanyang sangkatutak na bodyguards naman ay galing ng General Santos City.
Habang kinakausap niya ako, I mentally counted ang mga Army bodyguards ni Ampatuan na naka-uniporme lahat and I lost count after 30.
Sa madaling salita, mahigit 30 ang mga uniformed bodyguards niya na ang mga bitbit ay M-16 Armalite at M-60 machinegun.
Wala pa rito yung mga civilian bodyguards ni Ampatuan.
(Kapag nagchi-check in ang mga bodyguards ni Governor Ampatuan Sr. ng kanilang mga baril sa airport, mahigit sa P20,000 ang binabayaran niya para sa gun-handling fees, sabi ng isang miyembro ng PNP airport security).
Masuwerte ako at hindi ako sinaktan ni Ampatuan. Nang maramdaman ko na ako’y aabutin niya, umatras ako at tamang-tama naman na dumagsa ang maraming pasahero palabas ng terminal building.
Sinabi ko kay First Gentleman Mike Arroyo, na kaibigan ko pa noon, ang insidente sa NAIA 2.
Tinanong ko si FG kung bakit pinapayagan na maraming-maramin Army at PNP bodyguards ang mga Ampatuan.
Sagot sa akin ni FG: “Pabayaan mo na siya, Mon, dahil atin siya.”
Sinabi ko kay Mike Arroyo na baka sa pagdating ng araw puputukan sa mukha si Pangulong Gloria sa pag-aabuso ng mga Ampatuan.
Sa nangyari sa Maguindanao, parang naging prophecy ang aking sinabi noon.
Umabuso sa kapangyarihan ang mga Ampatuan dahil kinukunsinti sila ni Gloria.
Tingnan natin kung maipagtatanggol sila ngayon ni Gloria.
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 112609