Meralco Bolts nakabalik sa PBA Governors’ Cup Finals

NAKUMPLETO ng Meralco Bolts ang pagwalis sa Star Hotshots matapos manaig sa overtime, 91-88, sa Game 3 ng kanilang 2017 PBA Govenors’ Cup best-of-five semifinals series Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Allen Durham ng 24 puntos, 19 rebounds at 6 assists para pamunuan ang Bolts na nakabalik sa Govenors’ Cup Finals sa ikalawang pagkakataon at naisagawa ang 3-0 sweep ng kanilang semis series kontra Hotshots.

Pinangunahan ni Mark Barroca ang Star sa ginawang 21 puntos at 12 rebounds.

Makakasagupa ng Meralco sa best-of-seven championship ang magwawagi sa semis series ng Barangay Ginebra Gin Kings at TNT KaTropa Texters.

Read more...