DEAR Ateng Beth,
Tulungan mo ako sa problem ko. Bakit lagi na lang akong bigo sa mga relasyon ko. Dalawa na po ang naging ex-GF ko.
Pareho pong niloko ako. Puro po long distance relationship ito. Ibinigay ko naman po lahat ng kaya ko pero sa huli, olats pa rin. Puro iniiwan ako. Gusto raw nila yung nandiyan sa tabi nila palagi na makakausap ng personal. Ano bang pwede kong gawin?
Rommel, Tagum City
Hello, Rommel,
By itself, mahirap talagang panatilihin ang isang LDR (long distance relationship).
Iilan lamang ang nagkakaroon ng matagumpay na relasyong magkalayo. Iilan lang sila na kering-keri na mapanatili ang kanilang pag-iibigan kahit na milya-milya ang layo nila sa isa’t isa.
Sorry, dahil hindi ka kasama sa mga iilan na iyon. But, who knows, magkaroon ka ng isang matibay na relasyon sa mga susunod na panahon. And we never know na baka nasa LDR din ang tunay na pag-ibig mo.
But you know, Rommel, maraming kailangang gawin, isakripisyo at ikonsidera para sa pagkakaroon ng ganitong uri ng relasyon.
Ang dapat mong gawin manalangin ka at maghanap ng makakarelasyon na, either, malapit lang o makakaintindi sa pagkakalayo ninyo.
Isa pa, hindi pa end of the world para magmukmok dahil parehong failure ang dalawang relasyon mo.
Iba ngayon mahigit pa sa dalawa, tatlo o lima ang failed relationship before they finally found their true love.
Huwag mawalan ng pag-asa na makikita ang true love, near or far man iyan.
Getlak mo?
Ateng Beth