Sa botong 25-2, idineklara ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Rey Umali ang sufficiency of grounds ng reklamong inihain ni Atty. Larry Gadon.
Hindi naman hinimay isa-isa ang mga grounds na nakasaad sa reklamo.
“There is sufficient ground to impeach… That the complaint alleges sufficient ground for impeachment and we will now move to the next stage, which is the determination of probable cause,” ani Umali.
Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na mas makabubuti kung iisa-isahin ang 27 grounds sa reklamo ni Gadon pero hindi ito pinagbigyan.
“The House Committee on Justice put the cart before the horse when it precipitately and prematurely voted that there are sufficient grounds for the impeachment of Chief Justice Sereno based on the pleadings even before any discussion was conducted on the alleged grounds,” ani Lagman. “My suggestion that the 27 grounds alleged for impeachment must be discussed and voted upon separately was ignored by the Committee.”
Tinangka ring harangin ni Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao ang mosyon na aprubahan ang sufficiency of form dahil kuwestyunable umano ang mga alegasyon ni Gadon at wala itong ibinigay na ebidensya upang patunayan ang mga ito pero sa huli ang nasunod ay ang mayorya.
Sa panayam, sinabi ni Atty. Josa Deinla, spokesperson ni Sereno, na kung inisa-isa ang grounds ay makikita na walang ebidensya.
“Kasi sa ganoong paraan maipapakita kung gaano ka-kulang yung impeachment complaint, kung gaano ito ka kulang sa ebidensya at maipapakita na rin na ang mga alegasyon ay hindi nagko-constitute sa impeachable offenses in the first place dapat ibinasura na talaga siya… hindi lang insufficient ang grounds, wala ring impeachable offense na nakapaloob sa complaint,” ani Deinla.
Itinuring naman ni House majority leader Rodolfo Farinas na ‘scrap of paper’ ang dalawang sulat ng kampo ni Sereno na humihiling na payagan ang kanyang mga abugado na ma-cross examine ang mga testigo na pahaharapin sa pagdinig.
“Hindi tama na ipagkait ang ganitong karapatan ng CJ sa ganitong hearing,” sagot naman ni Deinla.
Susunod namang tatalakayin ng komite kung mayroong probable cause ang reklamo. Kung boboto ang komite na meron, gagawa na ang Articles of Impeachment at committee report na pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara.
Kung makakukuha ng 98 boto pabor sa reklamo, ito ay iaakyat sa Senado na magsasagawa ng impeachment trial.
MOST READ
LATEST STORIES