Mocha Uson, Sen. Bam Aquino nagkainitan sa  Senado

BINATIKOS ni Sen. Bam Aquino si  Communications Assistant Secretary Mocha Uson matapos sabihin na hindi muna kinuha ng mga mainstream media ang kanyang panig bago magsulat ng artikulo, gayong hindi rin niya hinihingan ng pahayag ang mga binabanatan niya sa kanyang blog.

“Sa dinami-daming mga blog mo tungkol sa amin dito may isang beses ba na humingi ka ng side namin?” tanong ni Aquino kay Uson matapos ang mainitang pagpapalitan ng pahayag sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media kaugnay ng paglaganap ng fake news.

“In your case never kang humingi ng side ng nilagay mong blog dito. In fact the other day may blog ka sa Senate minority. May isang beses ka bang humingi ng side namin?” dagdag pa ni Aquino.

Sinagot naman ito ni Uson.

“Senator, hindi ko s’ya tinanong kung hiningi niya ang side ko. Si Senator Sotto ang nagtanong,” tugon ni Uson.

Naging dahilan naman ito para ibahin ni Aquino ang kanyang pagtatanong.

“So, sa tingin mo ba kailangan na hiningi niya ang side mo?” sabi ni Aquino.

“Natural, journalist sila. Trabaho nila yon: kunin ang both sides,” sagot naman ni Uson.

“In your case, never ka humingi ng nilagyan mo ng blog dito… May isang beses ba na humingi ka ng side namin?” sunod na tanong pa ni Aquino.

Iginiit naman ni Uson na hindi siya miyembro ng media.

“Senator, with all due respect, hindi ako journalist,” ayon pa kay Uson.

Nagtanong namang muli si Aquino.

“Yes or no, may isang beses ba na humingi ka ng side namin?” tanong pa ni Aquino.

“I refuse to answer that question lumalayo po tayo sa issue, I invoke my right against self-incrimination,” sabi ni Uson.

“So fairness ang hinihingi mo Asec Mocha. You’re asking that these organizations be fair to you so ang sinasabi ko lang hinihingi mo yung fairness pwedeng bang bigyan mo rin kami ng fairness?” komento ni Aquino.

Tumanggi naman si Uson na sagutin ang tanong ni Aquino.

“Opinion based ang blogging unlike in mainstream media,” giit ni Uson. Inquirer.net
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...