Karla nakiusap: Please, irespeto n’yo naman si Angel!

NOT a few were happy to see Daniel Padilla’s gentlemanly ways sa ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo.

During the red carpet walk sa Star Magic Ball ay inayos pa muna ni Daniel ang gown ni Kathryn bago sila nag-pose for the cameras. Kitang-kita sa video kung paano nag-effort si DJ para lang maging maganda ang kalabasan ng pagkuha ng picture sa kanya.

In the interview which followed later, nakiusap si Daniel na tigilan na ang pamba-bash kay Angel Locsin na talagang pinag-usapan ang pagpasok sa La Luna Sangre.

Apparently, hindi matapos-tapos ang pambabastos kay Angel ng sinasabing KathNiel fans.

Ang feeling naman ng ilan ay hindi naman talaga KathNiel fans ang namba-bash kay Angel.

Anyway, maging si Karla Estrada pala ay naba-bash na rin matapos siyang makiusap sa KathNiel fans na tigilan na ang pambabastos kay Angel.

“Please show some respect. You are not a true KathNiel if you are disrespectful. Spread love guys, not hate,” tweet ni Karla.

Naimbiyerna ang ilang fans dahil parang ipinagtatanggol pa nito si Angel.

Read more...