John Lloyd adik na adik kay Ellen, tuloy ang lasingan, walwalan

HINDI pa nga ito ang tamang panahon para may makabaklas kay John Lloyd Cruz sa poder ni Ellen Adarna. Mahaba-habang panahon pa siguro ang kailangang hintayin ng mga namamahala at nagmamalasakit sa career ng sikat at magaling na aktor.

Naglulubalob ngayon sa kaligayahan si JLC kasama ang babaeng handang ibigay ang lahat-lahat sa kanya. Ngayon lang siguro nakatagpo si John Lloyd ng babaeng hindi siya kinokontra, sa halip, itinutulak pa nga siya sa mga gusto niyang gawin.

Wala namang problema kung totoong nagmamahalan sila, may karapatan namang lumigaya si John Lloyd, dapat lang namang premyuhan ng aktor ang kanyang sarili dahil nagtatrabaho siya nang sobra pa sa kailangan niyang gawin.

Pero sana lang ay maging discreet siya. Patakbuhin dapat nila ni Ellen ang kanilang relasyon sa pribadong paraan at hindi ‘yung ganyan na ipinaglalantaran pa nila sa social media ang kanilang mga ginagawa.

Natural, magiging pulutan sila, lalo na’t ipinakita pa nila sa social media ang video at mga retrato kung saan halos gumagapang na sa kalanguan si John Lloyd at ang makasaysayang pangpa-f*ck you niya.

Ano ang inaasahan ng aktor sa ganu’ng senaryo, ang palakpakan pa sila ng mga netizens, ang mas mahalin at idolohin pa siya ng ating mga kababayan?

Holy cow!

Read more...