Dating hunk actor nag-enjoy sa pagiging callboy, iniwan ang nanay ng mga anak


WALANG pagbabago. Pinanindigan na ng isang dating hunk actor ang pagiging close sa mga becking alam niya na may magandang maidadagdag sa kanyang pangkabuhayan showcase.

Hindi na siya nagsikap na maghanap ng ibang trabaho, pinanindigan na niya ang paggamit sa kanyang katawan bilang puhunan, nagkakaedad na siya pero tuloy pa rin ang kanyang pailalim na raket.

Siya ang naging kuwentuhan isang gabi sa isang umpukan ng mga becki. May mga kaibigan kasi sila na nakasama na ng hunk actor sa kung saan-saan na siyempre’y meron siyang talent fee.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakakaloka ang lalaking ‘yun! Talagang pinanindigan na niya ang trabahong nagpabago sa buhay niya. Marami namang chances, pero hindi na talaga siya bumaklas sa nakasanayan niya.

“Alam naman natin ang nangyari sa isang gay businessman na naging karelasyon niya, di ba? Hindi lang siya ang binuhay nu’ng becki, pati ang buong pamilya niya, ganu’n siya kung umatake!

“Lahat ng pangangailangan ng pamilya niya, e, iniasa na lang niya du’n sa gay businessman, kaya pasan ng taong ‘yun ang daigdig nu’ng sila pa,” nakairap na kuwento ng impormante.

May nakilala siyang balikbayan, niligawan niya ang babae, nagkaroon sila ng mga anak pero nauwi rin sa hiwalayan ‘yun.

“Ang dahilan? Naramdaman niya na hindi naman pala madatung ang family ng girl, okey-okey lang ang buhay nila, ayaw niya sa ganu’n! Gusto niya ng sosyaling klase ng lifestyle, ‘yung buhay-mayaman siya.

“Naghiwalay sila, bumalik sa dati niyang raket ang lalaki, ‘yung buhay na pahiga-higa lang siya, pero bonggang-bongga na ang buhay niya!

“Hindi talaga siya puwedeng magpamilya dahil puro papasok lang ang alam niya, walang palabas. ‘Yun na kasi ang nakasanayan niya, ‘yung siya ang hinahatagan at hindi siya ang naghahatag.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala ba kayong mga kamay d’yan? Ipatapon n’yo na lang kaya ang hunk actor na ‘yan sa Jordan?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Read more...