Tambalang Enzo-Sofia kakaibang kilig ang hatid sa Pusong Ligaw

IN fairness, bukod sa tambalan nina Diego Loyzaga at Sofia Andres sa afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw, “kilig pa more” rin ang hatid ng loveteam nina Sofia at Enzo Pineda sa mga manonood.

Kung may Team Sofiego, meron din namang kampi sa Team Sofienzo. Kakaiba rin kasi ang hatid na kilig nina Sofia at Enzo kapag nagkakatitigan na sila sa Pusong Ligaw. Meaning, malakas din ang impact ng kanilang tandem sa viewers.

Puring-puri rin ng mga netizens ang mga drama moments ng tatlong bida ng Pusong Ligaw, lalo na kapag umiiyak na si Diego bilang si Potpot dahil sa mga problemang kinakaharap niya ngayong nawawala ang kinikilala niyang ina (Almira Muhlach) matapos mamatay ang kanyang tatay-tatayan (Smokey Manaloto).

Inaabangan naman ngayon ng manonood ang asaran at paandaran nina Enzo at Albie Casino bilang sina Rafa at Leon. Unti-unti na kasing nagdududa ang mga taong nasa paligid niya tungkol sa tunay niyang pagkatao. Sa huling eksenang napanood namin, mukhang malapit nang mabunyag na hindi talaga siya ang tunay na anak nina Caloy (Joem Bascon) at Tessa (Beauty Gonzales).

Painit pa rin nang painit ang mga tagpo sa Pusong Ligaw kaya patuloy pa rin itong umaariba sa ratings game. Napapanood ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.

Read more...