KaladKaren umaming may BF na Briton: 5 years na kami!

INAMIN ng sumisikat na impersonator ni Karen Davila na si KaladKaren na super hapy ang kanyang lovelife ngayon.

Wala na raw mahihiling pa ang komedyante (Jervi Li sa tunay na buhay) dahil bukod sa kanyang makulay na love affair ay umaarangkada na rin ang kanyang showbiz career. Mula nang mag-viral ang kanyang mga video sa social media kung saan ginagaya nga niya si Karen Davila ay sunud-sunod na ang kanyang guesting sa mga programa sa TV.

Sa katunayan, nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda kamakailan ay inalok pa siya ng management contrac ni Boy Abunda.

Ayon kay Kaladkaren, limang taon na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na isang Briton at proud na proud daw ito sa kanya.

“Natutuwa po siya. Nakikita niya sa social media. Siya mismo sini-share niya ang video kahit hindi niya naiintindihan,” kuweto ng komedyante sa isang panayam.

Bentang-benta naman sa mga netizens nang muling gayahin ni Kaladkaren si Karen nang mag-guest ito kahapon sa Umagang Kay Ganda kung saan siya mismo ang nag-introduce sa May Puhunan segment ng Kapamilya broadcast journalist.

Read more...