DEAR Ateng Beth,
Magandang araw! May problema po ako. Tungkol po ito sa ex boyfriend ko na bumabalik sa akin.
Four years na po kaming nagkahiwalay. May anak po kami at nasa akin po ‘yung bata. Maganda naman ‘yung pagtatapos ng relasyon namin noon. Parang nag-decide kami na ayaw na namin kasi di magkasundo ang mga ugali namin, bukod pa sa magkaiba ang oras ng aming trabaho kaya madalas di kami nagkakasama.
Nurse po siya at night shift lagi ang assignment niya. Ako naman ay isang ordinaryong empleyado sa isang opisina.
Pero ngayon po, bumabalik siya. Constant po naman kaming nagkakausap dahil sa anak namin. Pero lately, iba na ang kilos niya at meron na siyang mga sinasabing gusto raw niya ako na makasama sa pagtanda. Ang kaso, Ateng, wala na akong napi-feel sa kanya. Pero natutuwa ako dahil makakasama siya palagi ng anak namin. Anong gagawin ko ngayon?
Erlinda ng Sampaloc, Maynila
Dear Erlinda,
Kung wala ka nang feeling pa para sa iyong ex, huwag nang i-entertain pa ang ganyang thought na magkakabalikan kayo.
Huwag na huwag mong pipilitin ang sarili mo na tanggapin ang relasyong iniaalok sa iyo ng dating BF dahil nakikita mong masaya ang iyong anak.
Hindi ko sinasabing maging madamot ka sa iyong anak. Kaya pa ring gampanan ng ex mo ang kanyang papel sa inyong anak na hindi ka kasama.
Tapatin mo siya at sabihin ang saloobin mo. Walang masama roon. Plus, malalaman niya rin agad kung ano siya sa buhay mo at ng anak ninyo. Mukha ngang wala ka ng feelings sa kanya kung pagbabasehan lang ang sulat mo. Feel na feel ko kaya!
So, better be honest and transparent sa nararamdaman mo (o hindi mo nararamdaman) para mas maaga ninyong maisaayos ang arrangement sa anak ninyo.
May tanong ka ba kay Ateng Beth? I-email sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay mag-text sa 09156414963