Sa tanong na: “Hindi pinapatay ang mga mayayaman na drug pusher, ang mga pinapatay ang mahihirap lamang”, nagsabi ang 33 porsyento na lubos silang sumasang-ayon at 27 porsyento ang medyo sumasang-ayon.
Nagpahayag naan ang 11 porsyento na lubos silang hindi sumasang-ayon at 12 porsyento ang medyo hindi sumasang-ayon.
Ang undecided o hindi tiyak kung sumasang-ayon o hindi ay 17 porsyento.
Pinakamarami ang naniniwala na mahihirap lamang ang pinapatay sa drug war ng gobyerno sa National Capital Region (48 lubos na sumasang-ayon, 27 medyo sumasang-ayon), na sinundan sa iba pang bahagi ng Luzon (29 lubos na sumasang-ayon, 30 medyo), Mindanao (34 lubos na sumasang-ayon, 25 na medyo) at Visayas (31 lubos, 22 medyo).
Nakararaming Filipino rin ang naniniwala na dapat isapubliko ni Duterte ang kanyang listahan ng drug personalities.
Lubos na sumasang-ayon dito ang 46 porsyento at 28 porsyento ang medyo sumasang-ayon. Ang undecided ay 14 porsyento.
Ang Lubos na hindi sumasang-ayon dito ay 5 porsyento at ang medyo sumasang-ayon ay pitong porsyento.
Sa tanong kung nagsasabi ng totoo ang mga pulis kung nanlaban ang kanilang mga pinaslang, 12 porsyento ang nagsabi na talagang hindi nagsasabi ng totoo at 16 porsyento ang malamang hindi nagsasabi ng totoo.
Siyam na porsyento naman ang naniniwala na talagang nagsasabi ng totoo, at 16 porsyento ang malamang nagsasabi ng totoo. Ang undecided ay 48 porsyento.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 23-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES