AlDub nanalong Most Admired loveteam sa 9th Comguild Awards; Alden Most Loved Endorser

By Jun Nardo October 03,2017
share this

AlDub nanalong Most Admired loveteam sa 9th Comguild Awards; Alden Most Loved Endorser

By Jun Nardo October 03,2017
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

TINANGHAL si Alden Richards bilang Most Loved Teen Endorser habang ang loveteam nila ni Maine Mendoza ang hinirang na Advertiser’s Most Admired Loveteam sa katatapos na 9th Comguild Awards na ginanap last Saturday sa Henry Lee Irwin Theater Ateneo de Manila University.

Kahit na sinasabing lumamlam na ang career nina Alden at Maine, tuloy pa rin ang suporta at tiwala ng advertisers ng dalawa. Wala namang keber ang GMA Artists Center at Triple A Management sa obserbasyong ito ng haters ng dalawa dahil sila ang mas nakakaalam ng commitments ng AlDub.

Wala mang regular TV series o balita kung kailan magsisimula ang bagong pelikulang gagawin, abang-abang naman ang fans ni Meng sa nalalapit na paglabas ng book ng Phenomenal Star ngayong buwang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending