Sanya Lopez gustong maka-date at maging dyowa ng mga school boys


ISA si Sanya Lopez sa mga bagong young female stars na nasa listahan ng mga estudyante na gusto nilang maka-date at maging dyowa.

Gandang-ganda sila sa maamo ngunit senswal na mukha ng dalaga. Idagdag pa ang kulay nitong Pinay na Pinay. Hindi nawawala ang pangalan ng aktres sa paboritong sexiest Kapuso stars ng mga school boys at young professionals.

Siyempre, flattered si Sanya kapag nakakarinig at nakakabasa ng mga ganitong compliments pero aniya, nahihiya pa rin siya kapag sinasabihan siyang sext at hot.

Nakausap namin ang aktres kamakailan sa taping ng afternoon series nila ni Rocco Nacino sa Haplos, at game na game niyang sinagot ang ilan sa mga tanong namin, kahit na medyo personal na ang ilan sa mga ito.

Kamusta na kayo ni Rocco? “Okay naman kami. Ito, mas lalong natsa-challenge sa mga eksena namin sa Haplos dahil marami nang nagbago sa buhay ng mga karakter namin bilang sina Angela at Gerald.”

Diretsong tanong namin, kayo na ba? “Wala pa talaga. Kasi pareho kaming focus sa kung anong ginagawa namin. Sobrang close lang kami pero hindi pa kami doon sa point na kailangang magligawan na. Masaya kami sa kung anong meron kami ngayon.”

Pinipigilan n’yo ba ang ma-in love agad sa isa’t isa? “Hindi naman. Sa ngayon kasi wala pa kami doon.

Kumbaga mahal namin yung isa’t isa pero bilang magkaibigan lang muna, wala pa rin doon sa moment na pupunta na kami sa serious relationship. Tingnan muna natin. Hindi rin naman natin masasabi kung ano ang mangyayari in the future, di ba?

Pero nagde-date na kayo? “Pag lumalabas kami may kasama po kaming friends, eh. Yung kaming dalawa lang, hindi pa po.”

May pressure ba sa inyo yung pagpu-push ng RocSan fans na maging kayo na in real life? “Pag napag-uusapan namin yun parang napapa-‘oo nga eh pinipilit nilang maging tayo’. Parang nagkakatawanan lang kami.

“Parang normal na lang yun sa amin. Sobrang open namin sa isa’t isa parang hindi na awkward sa amin na magsabihan ng ganyan. Parang barkada,” dagdag ng dalaga.

Sinabihan ka na ba ng “I love you” ni Rocco? “Ha-hahaha! Siya na lang po ang tanungin n’yo!”

Eh ikaw? “Hindi ko pa alam. Ha-hahaha! Nag-a-I love you ako yung para sa lahat. Yung walang malisya sa akin. Kapag masaya kami sa set tapos nagawa namin ng maayos yung mga eksena, ganu’n.”

Paano ipinapakita ni Rocco ang pagiging sweet niya sa iyo? “Kunyari sa pagkain. Like, ‘Sanya tara kain na tayo,’ o siya yung unang nag-aaya sa akin o mag-aabot ng plate sa akin. Yung mga simple things na ginagawa din ng iba sa ‘yo.

Ano yung pinaka-sweet na bagay na ginawa niya sa yo? “‘Yung pinasabay niya ako sa car niya kasi wala akong masakyan noon. Parang coding yata yung sasakyan ko tapos nag-Uber ako or Grab. Tapos sabi n’ya sa akin mas safe kung sasabay na lang daw ako sa kanya.”

Ikaw, ano yung sweetest thing na ginawa mo para kay Rocco? “Iniisip ko parang corny, e. Pero pagdating sa kailangan na sabihan niya ng mga problema niya nandito lang ako para iyakan niya kung minsan. Hindi ako masyadong sweet talaga sa mga ganyan, eh.”

Baka pag naging kayo na? “Baka po. Ha-hahaha! Wala pa, hindi ko alam kung paano maging sweet talaga, eh.”

q q q

Speaking of Haplos, marami pang dapat abangan ang manonood sa kuwento ng buhay ni Angela lalo na ngayong mas tumindi pa ang galit ni Lucille (Thea Tolentino) sa kanya.

“Masa-shock sila sa mga susunod na rebelasyon nina Lucille at Angela lalo na kapag nahanap na yung sinasabing Mutya yung kung paano maso-solve yung problema ni Angela kay Lucille kasi, di ba, ginayuma nga niya si Gerald (Rocco). Tapos mas lumakas pa yung kapangyarihan namin kaya mas matitindi rin yung susunod naming labanan,” kuwento pa ni Sanya.

Singit na tanong namin kay Sanya kung gagamit ba siya ng gayuma para ma-in love sa kanya ang taong gustung-gusto niya? “Hindi eh, mas masarap yung totoong mahal ka yung wala kang denial. Mas masarap makuha yung bagay na wala kang niloloko.”

Going back sa Haplos, dahil sa fight scenes nila ni Thea, nagkakasugat din ba sila? “Yes po. Minsan sugat talaga, pasa ganyan. Nakukuha namin ng hindi namamalayan. Kumbaga yung adrenaline sobrang taas, so nalalaman na lang namin pagkatapos na nasugatan pala kami. Nagso-sorry naman kami sa isa’t isa before pa ng fight scenes namin.”

Kumusta si Thea bilang kontrabida? “Effective siya. Actually ang dami-daming nagtu-tweet sa akin na sobrang apektado sila sa ginagawa ni Thea. Parang gusto na nilang saktan pag nakita nila. Sabi ko hindi kasi nila kilala si Thea sa personal, sobrang bait. Sobrang baliktad ng role niya sa Haplos.”

Read more...