Sulat mula kay Suzette ng San Jose, Tacloban City, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay dating OFW sa Kuwait at matagal ako don, almost seven years at ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas at nais ko sanang mag-negosyo na lang kasama ang aking mister at pamilya. Naisipin kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung ano ba ang magandang negosyo na bagay sa amin? Halimbawang tindahan ang maisip naming negosyo, anong mga kalakal ang dapat naming itinda? Sabi kasi ng mitser ko na isinilang noong February 14, 1980 magtinda na lang daw kami ng bigas at grocery sa bayan o sa palengke. Maganda po ba sa amin ang negosyong iyon? At anong negosyo po ba ang sa amin ay maaaring magpayaman? December 5, 1979 naman po ang birthday ko.
Umaasa,
Suzette ng Tacloban City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw, makapal at magandang Business Line o Guhit ng Negosyo (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na may potensyal ka ngang umunlad at umasenso sa pagnenegosyo, higit lalo kung ang nenegosyohin mo ay may kaugnayan sa pagkain at sa mga kalakal na pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Diamonds at King of Clubs ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagtutulungan ninyong mag-asawa, at ng buong pamilya, uunlad kayo lalo na kung tatlong otso (888) o kaya’y tatlong singko (555) ang lagi nyong gagamitin at pipiliin nyong numero.
Itutuloy…
Anong negosyo ang magpapayaman?
READ NEXT
Fire and brimstone
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...