Sick Man of Asia nga ba? | Bandera

Sick Man of Asia nga ba?

Jimmy Alcantara - October 03, 2017 - 12:10 AM

INILARAWAN bilang “the Sick Man of Asia” ang Pilipinas noong 1970s at 1980s, malayong-malayo sa dating imahe nito ilang taon lamang matapos ang World War II.

Isa ang bansa sa mga pinakamayayaman at nangunguna sa Asya noong 1950s, pero naungusan ng mga kapitbahay noong mga sumunod na dekada.

Marami ang naniniwala na kahit maraming maipupukol na puna sa sistemang politikal at sa ekonomiya ng Pilipinas noon ay hindi makatarungan ang taguring Sick Man dito.

Halos hindi umano nalalayo ang estado ng bansa noong 1970s at mga unang taon ng 1980s kumpara sa iba pang mahirap at papaunlad na bansa sa mundo.

Giit nga ni Dr. Jaime C. Laya, dating governor ng Central Bank of the Philippines at dating Minister ng Budget at Education, Culture and Sports, kahit nakaranas ng sunod-sunod na krisis ang bansa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos ay nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya.

Maraming hinarap na problema ang Pilipinas noong termino ni Marcos bago idineklara ang martial law, noong panahon ng martial law at matapos ang martial law.

Nariyan ang oil embargo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) bunsod ng Yom Kippur War sa pagitan ng Israel at Egypt noong 1973. Nilimitahan noon ng mga bansang kaanib sa grupo ang produksyon ng langis at itinaas ang presyo nito.

Hindi pa man nakarerekober ang bansa ay pumutok naman ang rebolusyon sa Iran noong 1979 na nagresulta sa $39 kada bariles sa presyo ng langis.

“What was the effect of this? An increase in gasoline price, an increase in transportation rates, an increase in freight rates, an increase in the cost of basic necessities to bring down vegetables from the Mountain Province and tobacco from Ilocos; and fish from the ocean required transportation, and to bring them to Manila would mean a great increase in prices, and an increase in price of transportation and food would have meant an increase in minimum wage law which would have meant a reduction in profit and a further spiral in price and cost increases,” paliwanag ni Laya.

Sa kanyang panunungkulan bilang Central Bank governor ay nagkaroon din ng worldwide recession na nagresulta sa international debt crisis.

Bumagsak ang export prices at demand ng bansa kaya naubos ang reserbang dolyar. Lalo pang bumulusok ang piso nang mapatay si dating Sen. Benigno A. Aquino Jr.

“It precipitated everything, and we had to declare a debt standstill on October 1983, just two months after August,” paliwanag ni Laya.

Pero sa dami ng mga problema ng bansa noon, naniniwala si Laya na “we did quite well, all things considered.” Aniya, naitatag ang pundasyon para sa pag-unlad na tinamasa ng mga sumunod na administrasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinikayat ni Marcos ang mga page-export hindi lamang ng asukal, langis ng niyog at copper concentrate kundi pati handcrafts, electronics, at car parts. Ang dating pangulo rin ang naghikayat sa mga construction companies na lumipat sa ibang bansa at ibahahi ang kanilang natutuhan sa mga dayuhan. Naiwasan din sana ang krisis sa enerhiya noong 1990s kung natuloy lang sana ang Bataan Nuclear Power Plant.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending