Bagong mukha ni Marlou Arizala milyones ang halaga; Xander Ford pwede nang maging matinee idol

ANG galing ng pagkaretoke sa mukha ni Marlou Arizala – now named Xander Ford.

Grabe ang transformation ng kanyang fez. From chakadoodles (no offense meant, ha) to a matinee idol-looking guy. Jackpot si Mama Ona Unico ng Rated K sa pagtisod sa istoryang ito na naging number one trending topic sa social media last Sunday.

Kasi naman, sa dinami-dami ng plastic surgery na ginawa, mukhang dito talaga nakita ang super tagumpay. Unlike yung kay Lani Misalucha na halatang-halata ang mga pagbabago that made her look like Avatar, di ba?

OA ang pagkatangos ng ilong ni Lani unlike itong kay Xander na sakto lang. Iba na talaga ang sensiya sa panahon ngayon. Sabi ko nga sa post ni Lykaboo (Leo Bukas), baka madyowa niya ito nang hindi niya alam ang past look. Ha! Ha! Ha!

Xander can pass as a movie star. Super guwapo na kasi niya ngayon. Wala bang side effects ito? O kailangan ba niya ng maintenance? If I may say so, mapalad din itong si dating Marlou for finding a doctor na nag-sponsor sa kanyang surgery. Mahal iyan, millions ang halaga niyan kung tutuusin. Iyon nga lang, sana walang side effect. Kaloka! Ha! Ha! Ha!

Read more...