Sa pagdnig ng Senado kaugnay ng mga pagpatay sa bansa, sinabi ni Hontiveros na desperado na si Aguirre para mailihis ang totoong isyu, kaugnay ng pagtatangka ng huli na kasuhan siya.
Idinagdag ni Hontiveros na nakuhaan ng litrato noong Setyembre 5 ang umano’y mga text message sa pagitan niya at isang “Cong. Jing,” na kalaunan ay pinangalanan niya bilang si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.
Tumanggi si Aguirre na talakayin ang umano’y nilalaman ng pag-uusap nila ni Paras, sa pagsasabing hindi naman ito tatanggapin sa korte dahil paglabag ito sa kanyang karapatan sa “privacy.”
“Yan ay hindi nyo maaring gamitin … It is as if it is non-existent,” giit ni Aguirre.
Hinamon pa ni Aguirre si Hontiveros na pangalanan ang umano’y photographer na kumuha ng mga litrato.
Bukod sa paghahain ng kasong kriminal sa Pasay Prosecutor’s Office, naghain din si Aguirre ng ethics complaint laban kay Hontiveros sa Senado.
MOST READ
LATEST STORIES