Joshua Garcia inupakan ng netizens matapos ipagtanggol si John Lloyd

NAKAKATIKIM na ng binyag ng apoy ang magaling na young actor na si Joshua Garcia. Maraming nang-uupak sa kanya nga-yon sa social media dahil sa magagandang salita na i-pinaangkin niya kay John Lloyd Cruz.

May mga reporters ka-sing nagtanong sa kanya kung ano ang kanyang saloobin tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng sikat at magaling na aktor?

Nagpakatotoo lang si Joshua Garcia sa pagsasabing anuman ang mangyari ay hindi magbabago ang kanyang paghanga at pagrespeto kay JLC. Wala raw siyang nakikitang mali sa mga ginagawa nito.

Hinahangaan pa rin daw niya si John Lloyd, “sinasamba” pa rin niya ang aktor, wala raw dahilan para mawala na ang pag-idolo niya kay John Lloyd.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga tayo makaaasa ng mga salitang madiin at nakapananakit kay John Lloyd mula kay Joshua. Ano ‘yun, suicide, siya mismo ang maghahain ng kanyang sarili para lapa-lapain ng mga tigre?

Siyempre’y hindi niya sisiraan ang kanyang idolo. Natural lang na hindi siya magpapakawala ng mga salitang manunugat sa damdamin at imahe ng kanyang idolo.

Gusto ba niyang gawin siyang pulutan sa social media? Gusto ba niyang matikman ang mga salitang kahit mula sa mga magulang niya ay hindi pa niya natitikman?

Nagpakatotoo lang si Joshua Garcia. Opinyon niya ‘yun. Saloobin niya ‘yun na hindi natin puwedeng saklawan.

Read more...