Janine, Rayver nag-date sa Indonesia pagkatapos ng Star Magic Ball

HINDI pa raw opisyal na magkarelasyon sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez base sa pahayag ng isang katoto na close sa aktres.

Pero hindi naman lingid sa mga nakakakita na gusto na rin ni Janine ang aktor dahil talagang nag-effort siya sa pagbalik ng Pilipinas ga-ling Bali, Indonesia kung saan ise-celebrate sana niya ang kanyang ika-28 kaarawan ngayong araw.

Tulad nga ng nasulat namin dito kahapon, dumating noong Sabado ng tanghali si Janine sa Makati Shangri-La Hotel para samahan si Rayver sa ginanap na Star Magic Ball kinagabihan.

Akala namin ay tapos na ang kuwento dahil dumating na nga ang aktres, pero hindi pa pala roon nagtapos. May nag-text sa amin bandang 5 a.m. at ang sabi, “Rayver and Janine spotted at NAIA3.”

Tinanong namin kung saan sila papunta at kung anong airline pero hindi na kami sinagot pa.

Feeling namin, baka bumalik sa Bali, Indonesia si Janine at kasama na si Rayver, talagang um-attend lang sila ang Star Magic Ball? Fly in, fly out ang drama ni Janine?

Sabi sa amin, hindi pa talaga sinasagot ng dalaga ang aktor, pero posible kaya na sa pagbalik nila ng Pili-pinas ay sila na? In fairness, bagay na bagay daw ang dalawa. At alam n’yo bang sa ilang taong pagdalo ni Rayver sa SMB ay ngayon lang ulit siya nagkaroon ng ka-date.

Read more...