NABAHAG nga raw bigla ang buntot ni Daiana Meneses kaya nakipagbalikan ito sa asawa na palang si Cong. Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro. Kasi nga, the past few days ay kung anu-ano raw ang pinagpo-post ni Daiana sa Twitter – mga sensitibong issues on violence against women, rape at kung anu-ano pa.
Marami ang nag-react sa mga inilagay na iyon ni Daiana – some even encourage some women groups and concerned citizens to back her up to protect her from harm and her right as a woman. Sa mga tweet ni Daiana, lumalabas na sinasaktan siya physically, sexually and emotionally ng kanyang tinutukoy na lalaki at eto nga, si Cong. Benaldo nga raw iyon.
Meron pa siyang sinabi na she has a witness sa pananakit sa kanya pero nabayaran daw ito. I read in another newspaper sa column ng anak-anakan nating si Arniel Serato na nagpadala sa kanya ng mensahe si Cng. Benaldo citing some facts – na nagkapatawaran na raw sila ni Daiana and they’re back in each other’s arms – that, like any other couple, dumadaan din sila ni Daiana sa mga problemang ganito.
And the item there is inamin ni Cong. Benaldo na ikinasal na pala sila ni Daiana in civil rites sa Las Vegas and they’re preparing for a religious wedding in the Philippines soon. Meaning, since nagkapatawaran na sila ni Cong. Benaldo, and since they’re back sa piling ng isa’t isa, does this mean na hindi na siya sasaktang muli ng lalaki? Sana nga, wish lang namin.
Kasi nga, malaking kasiraan ito kay Cong. Benjo Benaldo kung nagkataon, the fact that he is a politico, kaya malamang daw na may balik ito kay Daiana one day. Narito ang latest tweet ni Daiana sa mga hindi sang-ayon sa ginawa niyang pagpapatawad sa asawa, “If you’re smart enough you’ll understand thru my yellow posts and if you walk on my shoes you might have to go miles away to be able to be forgiven by Lord for saying inappropriate judgements on situations just to get attention on someone else’s pain. God bless you.”
Ang nakikita ko riyan, sa ngayon ay okay na naman tiyak sila, matalino rin si Cong. Benaldo – para hindi tuluyang masira, inayos si Daiana (he has every reason naman to do it dahil mag-asawa na pala sila) pero sa susunod na pag-aaway nila, malamang na hindi lang ito ang dadanasin ni Daiana.
Napanood ko na ang ganitong mga eksena sa mga old films at marami na rin akong nabasang ganitong insidente sa mga libro and newspapers. Ako tuloy ang medyo nahintakutan. I don’t know. Kasi nga, hindi biro ang ibinintang ni Daiana na siya ay biktima ng karahasan, rape pa at that – then heto siya’t nakipagbalikan kaagad at nakipagpatawaran.
Hay naku, ako ang napa-paranoid for her. Kasi nga, kay bilis na sinira ni Daiana ang pagkatao ng partner niya sa mga sensitive posts niya and hindi pa man umiinit ang kalan ay nakipag-ayos na siya. Sana ay huwag naman mangyari ang nasa isipan ko, sana ay huwag naman.
I will pray na lang that they live happily ever after – I mean, after ng hindi magandang kahapon nila ay tuloy-tuloy nang gumanda ang kanilang relasyon. Ayaw ng mga fans ng mga kuwento on crimes of passion and all. Hay naku, mahirap itong pinasok ni Daiana. Pero in fairness, nakita ko ang picture ni Cong. Benjo Benaldo, guwapo siya, ha. Ang lakas pa ng dating. Kaya naman pala nagbabaliw-baliwan itong si Daiana.