Marian mapagmahal at loyal na kaibigan, tumutulong nang walang kapalit

AKALA namin noon ay suplada ang beautiful actress na-ting si Ms. Marian Rivera. Her beauty kasi is very intimidating – dala na rin siguro ng Spanish features nito kaya akala natin ay malditix siya pero sa totoong buhay hindi pala.

Actually, she is very sweet pag close kayo. Imagine, pag may chance si Marian, she watches our program sa DZMM tuwing gabi. Jologs din pala ang love naming misis ni Dingdong Dantes at nakaka-flatter pag siya’y nagpapabati sa amin. Kasi nga, she belongs to a-nother network pero nasisilip niya ang program namin sa DZMM.

And mind you, she is very generous to her friends and loyal, ha. Kung naaalala ninyo, ang stand-up comic na si Boobay na kasama niya sa ilang programs sa GMA 7 ay na-stroke dati and needed so much financial assistance and it was Marian who paid Boobay’s hospital bills. Hindi birong amount ‘yon ha pero hindi niya ito pinanghinaya-ngan just to save a friend’s life.

At wala kang maririnig na ibinabandera niya ang ginawang pagtulong. Unlike some celebrities na meron lang magawang maliit na kawang-gawa ay natututukan na agad ng cameras. Nakakaloka, di ba? Pero si Marian, iba. Hindi siya madamot.

Kaya ang tawag ko sa kanya ay MIS-UNDERSTOOD PRINCESS OF SHOWBIZ. Totoo naman, di ba? She has her own set of bashers and detractors pero lingid sa kaalaman nila that this girl is truly wonderful.

And at times na naipagtatanggol namin siya sa aming hanay, she is the type who will find a way para magpasalamat sa maliit na nagagawa namin for her.

Ilan na lang ba amongst our stars ang marunong magpasalamat pag napupuri mo sila? Pero subukan mong kantiin ang iba, kahit konti lang, kahit pa-blind item lang, para ka nang kriminal kung ituring nila. Chances are, sa korte pa kayo magkikita. Ang bilis nilang nakakalimutan ang pagmamalasakit mo sa kanila when they were just starting.

Pero si Marian, kung ano ang na-project niyang character before ay iyon pa rin siya hanggang ngayon. Hindi siya ipokrita. Kung ayaw niya sa ‘yo, deadma lang siya pero pag love ka niya, she’ll make you feel that love. Kaya kita niyo naman kung gaano siya ka-blessed.

Katulad din ni Alden Richards iyan. Tahimik lamang na tumutulong sa mga nangangailangan. Napakababait at marespeto sa mga colleagues nila. Siyempre, kahit sino naman sa atin ay may mood swings – may bad hair days, di ba? Hindi naman puwedeng goody-goody ka all the way. Hindi naman tayo mga santo.

But talking about character, maganda ang character nina Marian at Alden. Alam niyo naman ako, I speak my heart. Imagine, taga-kabilang network pa ang maituturing kong malapit sa puso ko.

May mga kasamahan kasi kami sa ABS-CBN na kahit anong tulong ang nagawa namin sa kanila ay mabilis nilang nakalimutan at certain low times namin. Kay sarap sumbatan ng mga potah.

Ang kakapal ng mukha. Ang yayabang at sobrang kay tatayog na ng mga lipad. Hinihintay ko na lang ang pagbagsak nila nang malakas sa semento. Hindi sa lupa ha, sa semento talaga para mas masakit. Hindi niyo kami masisisi kung ganito na lang ang galit namin sa kanila dahil marami sa kanila ang mga walang utang na loob!

Wait lang, ayoko nang mag-emote. Ha! Ha! Ha! Ayaw ni Ms. Stress ng ganyan. Namnamin na lang natin ang pagtunghay sa kabutihan ng mga puso ng ilan nating mga bituin. I have a few names in my list.

Siyempre, nandiyan ang mahal kong si Kuya Boy Abunda, Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin, Nay Jojit de Nero, Patrick Garcia, Cogie Domingo, Marian Rivera, Alden Richards, Ms. Laarni Enriquez, Papa Ahwel Paz, Joey de Leon, Ai Ai delas Alas, Ms. Melanie Marquez, Allan K, Angel Locsin, Dranreb Belleza, Ms. Divina Valencia, Ms. Amalia Fuentes, Ma’am Charo Santos, Ms. Gloria Diaz, Daria Ramirez, Nora Aunor, Sylvia Sanchez, Arjo and Ria Atayde, Keanna Reeves, Jake Ejercito, Coco Martin, Vice Ganda, Gladys Guevarra, Pooh, KZ Tandingan, Boobsie Wonderland, Ate Gay.

Nandiyan din si Luis Manzano (because he makes me laugh sa kaniyang mga antics), my panggas Duncan Ramos, Luke Mejares and Jimmy Bondoc, Martin Nie-vera, and a few others. Mahalaga sa akin ang mga taong ito dahil marunong silang magpahalaga ng relasyon. Maaaring may ilan akong nakaligtaan pero more or less ay oks na ang list kong ito.

Kaya sa mga detractors nina Marian at Alden, eat your hearts out. Kaya ko isinulat ito, kasama ito sa senior moments ko. Gusto kong malaman ng mundo ang mga matitinong artists ayon sa aking panlasa over the years. Gusto ko lang na panghawakan nila ay ang loyalty ko to them – ang habang-buhay kong gratitude sa kanila for the friendship and love.

Hoy, hindi pa po ako namamaalam ha, nais ko lang ibandera ang mga taong mahal ko in this business. Ha! Ha! Ha! Mga baliw!

Read more...