Luis gusto nang buntisin si Jessy, pero may problema

By Julie Bonifacio October 01,2017
share this

Luis gusto nang buntisin si Jessy, pero may problema

By Julie Bonifacio October 01,2017
share this


TUMANGGING magbigay ng comment si Luis Manzano when asked about her former girlfriend Angel Locsin being linked to businessman/producer Neil Arce. That’s very Luis na kilala bilang isa sa mga matatalinong celebrities sa showbiz na alam kung paano at kailan dapat sumagot sa mga isyu.

“Oo, ‘wag na. Baka sabihin nagpa-presscon ako para sa kanya. Ginagamit ko pangalan niya, ang pangit naman,” bungad ni Luis nu’ng sinubukan naming kunin ang kanyang opinyon sa Angel-Neil affair.

Agree naman kami kay Luis diyan at lalo pa kaming bumilib sa kanya. May kanya-kanya na nga naman silang buhay ni Angel. After all, super happy si Luis sa piling ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola. Inamin ni Luis na madalas na rin nilang mapag-usapan ni Jessy ang tungkol sa kasal.

Inamin ni Luis na madalas na rin nilang mapag-usapan ni Jessy ang tungkol sa kasal.

“Oo naman,” pagsang-ayon ng TV host. “Kanina lang napag-usapan namin. Ako, in some degrees siya na lang ang hinihintay ko, e. Oo, ‘yun na lang naman ako.”

Wala raw siyang binibigay na timeline kay Jessy kung hanggang kailan siya maghihintay. “Wala,” sambit niya. “Hinihintay ko na lang talaga siya.”

Kung vocal ang kanyang ina na si Lipa Cong. Vilma Santos-Recto na gusto nang magkaroon ng apo sa kanya, siya rin daw ay gusto nang magkaanak, “Kahit naman ako gusto ko na. Hindi ko naman sinasabing ayoko. Sabi ko, ang dream ko, parang kami ni Daddy (Edu Manzano). ‘Yung sabay kaming lumalaki. Ang dami naming nagagawa ni Daddy,” kwento ni Luis.

Paliwanag pa niya, “So, if nagkataon kasi, kunwari, let’s say kami ni Jessy magka-baby ngayon, let’s say lang, magtu-25 pa lang siya. Ilang years ang parang kinuha ko sa future niya. Sabi ko nga, she has her own dreams. I have my own dreams. At the same time, meron kaming dreams para sa isa’t isa.”

Samantala, kay Luis namin nalaman na may gagawing Maalaala Mo Kaya episode si Jessy na ipinalabas na nga kagabi. Very challenging ang role na ginampanan ni Jessy sa programa ni Charo Santos bilang babaeng hinahanap ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip. And no less than the Ultimate Drama King na si Christopher de Leon ang nakasama niya sa nasabing MMK episode.

Nakasama rin ni Jessy sa pinag-usapang episode ng longest running drama anthology sa Asia sina Heart Ramos, Aleck Bovick, Bobby Andrews, Neil Coleta, Johan Santos, John Manalo, Marc Acueza, Carlo Lacana, Shaun Salvador, Cathy Babao, Andrei Garcia at Emman Vera.

Ang nasabing episode ay idinirek ni Jeffrey Jeturian at sinulat ni Benson Logronio. Marami naman ang pumuri sa akting na ipinamalas ni Jessy sa MMK, napakalaki na raw ng improvement sa performance nito bilang drama actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending