IN fairness, mukhang tuluy-tuloy na nga ang swerte ni Aljur sa ABS-CBN. Pagkatapos nga ng kanyang guesting sa number one primetime series na Ang Probinsyano ay heto’t bibida na uli siya sa Wansapanataym, kasama ang dati ring Kapuso na si Louise delos Reyes.
Kailangang mas magsipag si Aljur ngayon dahil may anak na sila ni Kylie Padilla. Marami ang natutuwa ngayon sa bagong Kapamilya hunk actor dahil sa pagiging hands-on dad nito sa panganaY nila ni Kylie.
Puring-puri nga siya ng mga netizens dahil sa pagtupad niya sa kanyang daddy duties.
MOST READ
LATEST STORIES