Horoscope, September 29, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Malapit ng magkatapusan at pagkatapos ay October na. Sa buwan ng October lalong gaganda ang iyong kapalaran, lalo na sa pag-ibig at career. Tuloy ang dating ng maraming pera habang at tuloy din ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang nilalang na may pagka-chubby. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag magpaimluwensya sa iba. Sariling pasya ang dapat na pairalin. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa halip ikaw ang dapat na magsikap. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mas magiging masarap ang karanasan at mas payapa ang kaisipan kung simple lang ang magiging attitude sa buhay at pagkatapos may masaya at buo ang pamilya. Ipagpatuloy na ipriority lagi ang family sapagkat sa kanila ka humuhugot ng lakas. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang mangutang, dahil kapag nahirati ka na naman sa utang, wala na namang matitira sa iyong suweldo. Wag mamuhay ng marangya na hindi mo naman kaya. Magpayaman ka muna at saka mamuhay ng masarap. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban mo agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit muli ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ngayon na ang panahon upang magpakasipag. Ibigay ang the best sa anomang ginagawa. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang obligasyon na hindi mo maiwasan, mahal ka pa rin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Wag mo naman itong ubusin agad-agada, dahil ngayon pa lang mas mainam na pag handaan ang nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, sa tulong ng isang Taurus mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa panahong ito na nalalapit na naman ang bonus at 13th month pay, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Alalahanin mong hindi madaling kitain ang pera kaya hindi mo ito dapat na ubusin ng ganong-ganon na lang. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sabihin sa kasuyo na huwag maging ma-epal upang hindi mabulilyaso ang kasalukuyang transaksyon. Sa pag-ibig, walang kaligayahang mahihita kapag naging makasarili. Pagbigyan ang gusto ng iba. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenan.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malabong magtatagumpay sa sandaling kung ano-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon ang dapat upang yumaman. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Grehan.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, upang lubos na lumigaya wag mo kasing hanapin ang isang “ideal love” wala nito sa mundo. Ang mahalaga ay companion at kausap. Makuntento sa isang kaibigang isinilang sa buwan ng Setyembre. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! Mga ilang linggo na lang darating na ang bonus at 13th month pay, wag mo itong ipapautang kahit kanino, sa halip, ngayon pa lang ilaan ang nasabing salapi para sa ikaliligaya ng inyong pamilya sa araw ng Pasko at ng Bagong Taon. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Read more...