Bayani ang pulis

KUNG may nagtuturo ng iba na di ayon sa mabuti, mangmang at mayabang ang taong ito. Ang kanyang turo ay nagbubunga ng baluktot na pag-iisip. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Tim 6:2k-12; Slm 49:6-7, 8-10, 17-18, 19-20; Lc 8:1-3) sa ika-24 na linggo ng karaniwang panahon.

Bukod sa pagpatay, isa pang Utos ng Diyos na tahasang nilabag ng Aegis Juris ay ang paggiit bilang bulaang saksi. Ang dalawang nilabag na Utos ay madali namang iwasan kung maka-Diyos lamang ang kabataan ng UST, maliit na komunidad kumpara sa labas ng bakod, sumusunod sa magulang at isinasapuso ang homilia sa parokya ng Santissimo Rosario.

“No one is bound to reveal the truth to someone who does not have the right to know it,” anang Cathechism of the Catholic Church 2489. Pero, ang buong mundo ay may karapatang malaman ang buong katotohanan sa pagpaslang kay Atio. Kailangan bang diligin ng dugo ang tigang para isulat ang naganap?

Nawala na nga ang ugnayang magkakaklase at magkakaibigan para pigilan ang isang nais sumanib sa frat. Higit sa lahat, wala na rin ang sabay-sabay na pagdarasal ng pamilya sa dapithapon o gabi para paalalahanan ang mga anak na huwag nang sumali dahil lamang ang dekano ay miyembro ng frat, na karaniwan sa law schools.

Walang ipinagkaiba ang frat sa mga gang sa oblo at labas (Commando, BNG, BCG, Sputnik, Tau gang, RB gang, atbp). “Class” o burgis nga lang ang frat dahil de-kotse ang mga miyembro. Pero, kapwa sila alipin ng alak, drugs, sex at demonyo na nagdidiwang sa pamamaslang. Nasaan ang mga Dominicanong de-sinturon?

Naiiwas ang isang pamangkin sa hazing noon, na di alam ng kanyang mga magulang. Hiningi sa bata ang mga pangalan at retrato ng mga opisyal ng frat, pati ang kanilang tirahan at telepono sa bahay. Isang buwan bago naganap ang hazing, isa-isa silang tinakot na papatayin kapag may masamang mangyari sa sinoman. Sa Cavite kasi, mga buhay ang kapalit ng isang buhay.

Huli na si Atty. Sal Panelo. Ako ang unang nagsulat na may nagsususog, at dumarami na ito ngayon, na patakbuhing pangulo si Inday Sara. Mas matapang si Inday kesa kay Digong. Totoo ang kamao, hindi porma. Di na rin makababalik sa poder ang mga dilawan na ikinula para maging puti para mawala ang mantsa.

Pulis-Kongreso (utak-Farinas)? Puwede. Lahat ng pulis sa South at North Caloocan, at Maynila ay puwedeng italaga bilang pulis-Kongreso. Kapag napatay ang tiwaling mga mambabatas, titino ang bansang ito. Bayani ang pulis. Magaling talagang mag-isip si Farinas. Mabitamina ang utak.

Sa martial law ni Marcos, napigilan ang pagtaas ng upa ng bahay at apartment, sa atas ng Presidential Decree No. 10. Dahil dito, ang buong Metro Manila, na pinahihirapan ng mataas na renta sa apartment, ay pinuri si Marcos. Nakapagtataka na agad sinisisi ng mga komunista si Marcos. Bago ibaba ang martial law, sila ang nagpapabagsak sa gobyerno, kasama si Ninoy Aquino.

Palala nang palala ang fake news sa Internet. Meron pa ring batas kontra pagkakalat ng tsismis. Sayang at di ito pinairal sa Mindanao habang may martial law. Marami sana ang nasampolan. Sa balita, ang dyaryo pa rin ang pinagkakatiwalaan.

PANALANGIN: O Jesus, tulungan mo ang mga naghahanap ng katarungan. Gamitin mo ang nananahimik na mag-ingay at ipagtanggol ang mga inapi. Bahagi ng panalangin ng tagapagtanggol.

MULA sa bayan (0916-5401958): Inaanyayahan ko ang Aegis Juris na dito magtayo ng frat at gulpihin kami. Uubusin namin silang lahat. …6310, Barangay 17, Gingoog City

Bukod sa walang tulong sa magsasaka, mababa ang kita nila. Secretary Pinol, huwag mo kaming kalimutan. …1877, Barangay Sumpong, Bukidnon.

Noong Miyerkules na yata ang pinakamahabang pila ng MRT sa Quezon ave. Station. Naroon na kami sa pinakamababang bahagi ng Mother Ignacia, malapit na sa kanto ng Esguerra. &%$# …1943

Read more...