Miguel Tanfelix na-shock sa b-day message ni Bianca

PASOK ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa ginagawang movie nina Joey de Leon at Paolo Ballesteros, ang “Barbi The Wonder Beki” after ng pinagsamahan nilang fantaserye na Mulawin vs. Ravena.

Sa totoo lang, ang BiGuel loveteam ang tanging tambalan sa Kapuso Network na hindi pa pinaghihiwalay sa projects na kanilang ginagawa since day one na mabuo ang kanilang tandem. Kaya naman umaasa ang fans nilang magle-level up ang kanilang relasyon sa madaling panahon.

Nabawasan ang pagiging hopia ng fans ng dalawa sa nakaraang pahayag ni Bianca nang mag-celebrate ng kanyang birthday si Miguel. Balitang ikinagulat din ng binata ang mensahe sa kanya ni Bianca.

“Happy happy birthday. God bless you and I am more than happy to be the Bianca Umali of Miguel Tanfelix,” sweet na pahayag ni Bianca. Muntik na raw mahimatay si Miguel dahil dito.

Read more...