Alex panira lang sa bagong show ni Luis; masyado raw maingay, ang sakit sa tenga

ALEX GONZAGA AT LUIS MANZANO

HINDI gustuhin si Alex Gonzaga ng televiewers. Mailap sa kanya ang publiko sa pagbibigay ng suporta. Hindi niya nakuha ang karisma ng kanyang ateng si Toni.

Sa show ni Luis Manzano, ang I Can See Your Voice, para sa mas nakararami ay panira lang sa daloy ng programa si Alex. Maraming hindi nagkakagusto sa kanyang mga hirit.

Nakararating ‘yun sa mga namamahala ng programa, marami rin kasing nakakausap ang mga ito na ayaw kay Alex, pero deadma na lang sila dahil nandiyan na ang show.

Dati’y malakas ang sense of humor ni Alex, kayang-kaya niya kaming patawanin, ewan lang kung ano ang nangyari at ganu’n na lang ang mga negatibong komento tungkol sa kanya sa social media.

Sabi pa ng isang kakuwentuhan namin, “I don’t like that girl. Parang nang-aagaw siya ng eksena, masyado siyang maingay! Nakakakulili ng tenga ang mga hirit niya!”

May isang kaibigan kaming tawa nang tawa, napapanood daw kasi nito ang isang TVC ni Alex, ang kanyang komento, “Nakakaloka ‘yun! Para siyang lukring sa commercial na ‘yun!

“Ang payat-payat niya, tapos, pasipa-sipa pa siya na ewan. Para siyang tipaklong!” tawa pa nang tawa nitong komento tungkol sa kapatid ni Toni Gonzaga.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...