Litrato ni DU30, iba pang opisyal bawal nang isabit sa mga tanggapan at paaralan

IPINALABAS ng Malacanang ang Memorandum Circular 25 na nag-aatas na tanggalin na ang litrato ni Pangulong Duterte at opisyal ng pamahalaan sa mga tanggapan ng gobyerno at mga paaralan.

Sa ilalim ng MC 25 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inatasan niya ang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno na mga mukha ng bayani ang dapat isabit imbes na mga opisyal ng gobyerno kagaya ni Duterte.

“All government agencies and instrumentalities, including government-owned or controlled corporations, state universities and colleges and public schools of all levels, are hereby directed to display and exhibit the photographs, paintings or other forms of visual reprentation of Philippine Heroes in lieu of the photographas of elected or appointed officials,” sabi ng MC 25.

Read more...