Sinabi ni Voltaire Basinang, Bulacan provincial veterinarian, na nasawi ang mga ibong dahil sa inispray na mga pestisidyo sa mga sakahan.
Ayon kay Ferdinand Bautista, residente ng Barangay Sumapang Matanda, natagpuna niya ang 100 patay na ibon na nakakalat sa isang bukid noong isang linggo at inalerto ang mga otoridad kaugnay ng pangyayari.
Idinagdag ni Basinang na tatlong ibon lamang ang natagpuan ng kanyang team nang magsagawa ng inspeksyon sa sakahan.
Ani Basinang posibleng nilinis na ng mga may-ari ng sakahan ang kani-kanilang bukid bago pa man dumating ang mga beterinaryo.
Base sa imbestigasyon, nag-spray ang isang magsasaka ng pestisidyo sa kanyang mga tanim bago nakitang patay ang mga ibon sa lupa.
“Incidents of maya birds dying from pesticide poisoning are common here,” sabi ni Basinang.