Bashers tinalakan ng anak ni Ai Ai: E, di invite n’yo si Kris sa kasal n’yo!

 

TINALAKAN ng anak ni Ai Ai delas Alas na si Sophia ang bashers ng ina kaugnay ng pahayag nito kung invited si Kris Aquino sa kasal nila ni Gerald Sibayan.

Lumabas sa Pep.ph ang interview ng Comedy Queen at naging maingat siya sa kanyang sagot dahil alam niyang babahain siya ng haters.

Gayunpaman, binanatan pa rin si Ai Ai kaya to the rescue ang unica hija niya kahit sinagot din siya ng mga ito. May screen grab si Ai ng talak ng kanyang anak na ipinost niya sa kanyang Instagram.

“All the comments about me here are funny HAHAHA…oo puwede akong mag taray in English or tagalong kasi pakialamera kayo ng buhay eh. Kayo ikakasal? Eh di invite nyo si Kris Aquino sa kasal nyo. WAG DIN AKO MGA BES, IM SHOOKT,” post ni Sophia.

Narito naman ang komento ni Ai Ai sa post ng anak, “Good morning… eto ang post ng aking anak sa facebook nya…First of all thank you sa pagtatanggol saken…as always parate naman…i love you baby gir…@sophiadelasalas.”

“This is the most important part of my life wag nyo na po sanang haluan ng negative…hindi ko sasagutin anything about her kasi kahit maganda ang sagot ko wala din naman kayong maganda I co comment #basher and #haters…A MEANINGFUL SILENCE IS ALWAYS BETTER THAN A MEANINGLESS WORD. GOD BLESS EVERYONE,” sabi naman ni Ai Ai.

Read more...