Luis Man of Honor sa kasal nina Anne at Erwan

LUIS MANZANO

KASAMA si Luis Manzano sa entourage ng bonggang wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

“Si Anne, nakaka-touch, kasi ‘di ba ikakasal na nga siya. She sent me a letter saying na ‘may promise tayo sa isa’t isa and would you be my man of honor sa kasal?’ So kasama ako sa entourage ng kasal niya.

“‘Yun ang promise namin sa isa’t isa na kailangan part ako noon. At the same time kapag ikinasal na ako she will be my best woman,” sey ni Luis sa panayam ng Magandang Buhay kamakailan.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa at napanatili nila ang kanilang friendship sa loob ng maraming taon, “Hindi pa ako artista, baka 18 pa lang ako nakilala ko na siya. Siya ‘yung type ng bestfriend na hindi ko kailangang makita siya on a regular basis para ma-maintain ‘yung friendship,” pahayag ni Luis.

Read more...