Marlon pinatunayang mahal na mahal si Pia

MULING pinatunayan nina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach na matatag pa rin ang kanilang relasyon.

Ilang beses na kasing nabalita na naghiwalay na ang magdyowa matapos silang i-unfollow ang isa’t isa sa kanilang mga social media account.

At para ibandera ang kanyang pagmamahal kay Pia, nag-post si Marlon ng isang madamdaming birthday message para sa kanyang girlfriend. Isang photo ang ipinost ng Filipino-Swiss racecar driver sa Instagram kung saan makikita na hinahalikan niya ang Pinay Miss Universe.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Make her feel like everyday is her birthday. Here’s to many more with you @piawurtzbach more gifts & blessings!”

Pia just turned 28 last Sept. 24. Recently, nag-share ang magkarelasyon ng ilang detalye tungkol sa una nilang pagkikita sa New York last year at ipinost nga nila ito sa kanilang Instagram stories.

Read more...