Bela Padilla mas naadik magbasa ng mga libro kesa maglaro

AMINADO si Bela Padilla na may dream siyang magdirek at sumulat ng isang movie.

“Yes, opo. Kung may chance po yes,” she said when asked about it during the presscon for “Last Night” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual and Toni Gonzaga at sinulat ni Bela.

“Actually, meron na po kaming pinag-usapan ni direk Joyce Bernal,” dagdag pa ng dalaga na walang keber kung magkatrabaho uli sila ng kanyang ex na si Neil Arce, isa sa mga producers ng “Last Night”.
Itsinika ni Bela kung paano siya nahilig sa pagsusulat ng script.

“Mas in love po ako sa reading kasi mahilig akong magbasa parehas ng mga magulang ko. Noong bata po kami ay ini-encourage kami na imbes na laruan ang bilhin ay libro. So, ‘pag laruan ay may limit, one toy a month or parang kapag may ginawa ka lang na maganda pero ‘pag libro buy all you can. I think doon nag-start ‘yung imagination ko dahil sa books,” kuwento niya.

One acting and writing, Bela differentiated it this way, “Sa acting kasi ang iniitindi mo lang ay ang pag-arte mo. “Whereas I guess if you’re a writer kailangan buo ang character sa utak mo o dapat nag-uusap-usap na sila sa utak mo para mag-work. I guess yun lang ang difference for me,” she added.

Read more...