Diego Loyzaga hugot kung hugot sa Pusong Ligaw

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

PATIBAYAN ng sikmura at pagalingan sa pagsisinungaling ang magiging labanan sa mga susunod na episode ng afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

Isa-isa nang bumabandera ang mga lihim ng bawat karakter sa serye, lalo na ngayong alam na ng lahat na si Potpot (Diego Loyzaga) ang tunay na anak nina Tessa (Beauty Gonzales) at Caloy (Joem Bascon).

Desidido nang wasakin ni Jaime (Raymond Bagatsing) ang lahat ng kanyang mga kaaway, kabilang na riyan si Marga (Bianca King) na binantaan nang idadamay sa kaso kung magkakamali siya ng mga desisyon.

Naging madamdamin naman ang eksena nina Diego at Beauty sa huling episode ng Pusong Ligaw na nakatanggap ng mga papuri mula sa netizens. Naging makatotohanan kasi ang akting ni Diego sa nasabing episode na talagang tumatak sa manonood.

Sabi nga ng isang netizen, “Hugot kung hugot si Potpot! Galing niya sa eksenang ‘yun. Yan ang maganda sa cast ng Pusong Ligaw, binibigyan nila na mag-shine ang bawat isa. Walang lamunan, lahat may highlights. Pero sana mas dumami pa ang mga eksena nina Diego at Sofia Andres! Nakakakilig sila!”

Napapanood pa rin ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN pagkatapos ng It’s Showtime.

Read more...