Batangas inuga ng magnitude 4.9 lindol

Inuga ng magnitude 4.9 lindol ang Batangas kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
    Naramdaman ang lindol alas-9:30 ng gabi. Ang sentro nito ay 17 kilometro sa kanluran ng Calatagan. May lalim itong 157 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Naramdaman ang Intensity III sa Paluan, Occidental Mindoro at Morong, Bataan.
    Intensity II naman sa Calatagan, Batangas; Mamburao, Occidental Mindoro; at Calapan, Oriental Mindoro.

Read more...